Ormoc On My Mind
September 26, 2021, 07:08:15 am
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
 
  Home Help Search Gallery Links Staff List Calendar Login Register  

Whaleshark sa Ormoc City


Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Whaleshark sa Ormoc City  (Read 477 times)
webmaster
Full Member
***
Posts: 104



View Profile
Badges: (View All)
« on: September 23, 2013, 07:23:49 pm »

Mga butanding, kinagiliwan ng mga taga-Ormoc
August 31, 2013 10:12pm


Tuwang-tuwa ang mga residente sa Ormoc city nang nakita ng mga butanding o whale shark na napadpad sa kanilang karagatan.

Sa tala ng Bantay-dagat sa lugar, taong 2011 nang unang makita sa karagatan ng Ormoc ang dambuhalang isda. Mula noon ay inaasahan na ang pagbisita ng mga naturang uri ng isda tuwing buwan ng Agosto.

Nasa 500 meters lang ang layo ng mga dambuhalang isda sa baybayin ng Brgy. Linao at Brgy. Naunagan.  Nang una ay inakala ng mga mangingisda na isa lang ang butanding, pero kinalaunan ay nakita na rin ang apat pa nitong kasama, na kinabibilangan ng tatlong maliliit.

Kasama ang mga tauhan ng Bantay-dagat ang mga miyembro ng Philippine Army na nagpaalala sa publiko na huwag sasaktan ang mga butanding.

Inaasahan na mananatili ang mga butanding sa karagatan ng Ormoc hanggang sa susunod na buwan.

Umaasa naman ang mga residente na magtuloy-tuloy ang pagpunta sa kanila ng butanding para maging atraksyon sa mga turista. -- Ronnie Roa/FRJ, GMA News


http://www.gmanetwork.com/news/story/324477/ulatfilipino/balitangpinoy/mga-butanding-kinagiliwan-ng-mga-taga-ormoc
Report Spam   Logged

Share on Facebook Share on Twitter



Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by EzPortal
Bookmark this site! | Upgrade This Forum
MySMF - Create your own Forum

Powered by SMF | SMF © 2016, Simple Machines
Privacy Policy